Ang Puno sa Gitna ng Bagyo
(Sulatin 2)
Sa bawat silid-aralan, may mga batang tahimik at halos hindi napapansin ng karamihan. Isa na rito si Kobe. Siya ay payat, maliit, at tahimik mga katangiang nagtakda ng kanyang natatanging personalidad. Hindi tulad ng iba, si Kobe ay hindi madalas makihalubilo. Dahil dito, kakaunti lamang ang kanyang mga kaibigan.
Ngunit sa kabila ng kanyang pagiging tahimik, si Kobe ay may sariling mundo. Isa siyang tagamasid ang klase ng bata na mas pinipiling makinig kaysa magsalita. Ang katahimikan niya ay nagbibigay daan upang maunawaan niya ang mga bagay sa mas malalim na paraan. Habang ang iba ay abala sa ingay at laro, si Kobe ay nag-iisip, nagmamasid, at natututo sa kanyang kapaligiran.
Maraming maaaring magkamali ng akala kay Kobe. Maaring isipin ng ilan na siya ay malungkot o mahina. Ngunit ang totoo, ang kanyang katahimikan ay isang uri ng lakas. Ito ang nagiging pundasyon ng kanyang pagkatao isang paalala na hindi kailangang malakas ang boses upang marinig, at hindi kailangang maraming kaibigan upang maging masaya.



Comments
Post a Comment